^

Police Metro

Serbisyo ng 3rd telco magsisimula sa 2021

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang taon pa ang hihintayin ng taumbayan sa serbisyong iniaalok ng third telco player Dito Telecommunity Corporation.

Ayon sa Dito, hindi nila kakayaning mag-um­pisa ng serbisyo sa Hulyo ngayong taon kaya nila iniurong ang tinawag na commercial rollout sa Marso 2021.

Bagama’t naipangako ng administrasyong Duterte na maganda, ma­bilis at murang ser­bisyo ng 3rd telco nga­yong Hulyo 2020 ay sinabi ng Dito sa isang pulong balitaan na nakasaad sa kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity­ na sa Marso 2021 pa ta­­laga ang umpisa ng kanilang pagbukas ng serbisyo sa publiko.

Ang sinasabi umano ng Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) na Hulyo 2020 na commercial rollout ay sadyang ini­laan lamang sa tinata­wag na ‘technical launch’ at hindi pa ang pormal na pagbukas ng telco services sa public subs­cribers.

Sinabi ni Dito chief administrative officer Adel Tamano, sa pana­hon ng tinatawag na technical launch ay bu­busisiin ng NTC ang pagsunod nito sa ka­ni­lang pangako na seserbisyuhan ang 37% ng populasyon ng bansa na may 27 megabits per second (mbps).

Nangangahulugan na susuriin  ng gobyerno kung handa na ang network ng Dito kung saan mayroon na itong 1,600 towers pagsapit ng Hulyo ngayong taon.

Bubusisiin din ng technical launch ang katatagan ng network, gayundin ang kalidad ng customer service sup­port.

Pinawi rin ng opis­yales ng Dito ang agam-agam na kulang sa pananalapi ang nasabing 3rd telco kung kaya nabibimbin ang mabilis na pag-usad ng mga gawain sa paglunsad ng tinawag na telecommunication infras­tructures tulad ng cell towers.

DITO TELECOMMUNITY CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with