^

Police Metro

GCTA sinisilip na motibo sa pagpatay sa BuCor official

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa sa umano’y anggulong sinisilip ng mga otoridad na may kinalaman sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang motibo ng pagpatay kay Bureau of Corrections (BuCor) Legal Division Chief Atty.Fredrick Anthony Santos  noong Miyerkules sa Muntinlupa City.

Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major Gen. Debold Sinas dahil bigo ang kanilang mga operatiba na makakuha ng CCTV sa pinangyarihan ng krimen na makakatulong sana sa mabilis na pagresolba sa kaso.

Nabatid na sira ang mga CCTV sa lugar at hindi rin nakunan ng dashcam ng sasakyan ni Santos ang mga suspek dahilan sa gilid o sa driver side dumaan ang mga ito.

Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group ang NCRPO para imbestigahan ang pamamaslang kay Santos at nakipag-ugnayan na sila sa Bureau of Cor­rections dahilan ang GCTA ang tinitingnan nilang motibo ng pagpatay kay Santos na pinagbabaril sa harapan ng Southernside Mon­tessori School, Katihan Street, Variety Store, Brgy.  Poblacion ng Mun­tinlupa City.

Si Santos ay humarap sa senado para sa pagdinig ng kontrobersyal na GCTA for sale.

GCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with