^

Police Metro

ACT-CIS isinulong ang 14th month bonus

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang isinulong sa Kongreso ng ACT-CIS partylist na magbibigay ng 14th month pay sa lahat ng empleyado, pribado man at sa gobyerno.

Sinabi ni ACT-CIS Cong. Eric Yap, panahon na para bigyan ng dagdag na bonus ang lahat ng empleyado sa bansa.

Anya, ang 13th month pay ay noong panahon pa ng dating Pangulong Ferdinand Marcos naisabatas kaya kailangan na ang 14th month ng mga manggagawa.

“Simula sa term ni ex-president Cory hanggang kay Noynoy Aquino ay wala ng natikman na dagdag na bonus ang mga manggagawa,” ani Yap.

Paliwanag ng mam­babatas, kailangan lamang na mag-allocate ang Congress ng pondo para sa mga empleyado sa gobyerno habang ang mga pribadong manggagawa ay kaya namang ibigay ng kanilang mga employer kung gugustuhin ng mga ito.

“Negosyante ako noon kaya alam ko na kakayanin ng mga kumpanya na magbigay ng bonus kung gugustuhin talaga nila” pahayag pa ni Cong. Yap.

Sakaling pumasa ang panukalang 14th month ay magiging Chistmas bonus ito habang ang 13th month ay ibibigay bago ang enrollment ng mga estudyante sa Mayo.

14TH MONTH PAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with