^

Police Metro

Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong Pebrero

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) sa paparating na bill sa Pebrero.

Magpapatupad ang Me­ralco ng 59 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na bawas-singil sa kur­yente ngayong buwan ng Peb­rero 2020.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ito na ang pinakama­babang rate na kanilang naitala sa loob ng nakalipas na dalawang taon na umabot lang sa P8.8623/kwh mula sa dating P9.4523/kwh noong naka­raang buwan.

Ayon kay Zaldarriaga­, ang pagbaba ng singil ng Meralco ay dulot ng pagbaba ng generation charge ng 39 sentimo, matapos ang implementasyon ng bagong Power Supply­ Ag­­reements (PSAs) si­mula noong Disyembre 26. Maging ang bentahan sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay bumaba rin aniya nga­yong buwan dahil sa mas mababang power demand at mas mahusay na supply conditions sa Luzon grid.

MANILA ELECTRIC COMPANY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with