^

Police Metro

Emergency 911 lalong pinalakas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalo pang pinalakas ang Emergency 911 sa pagresponde sa mga kalamidad na nagaganap sa bansa para magligtas ng mga buhay.

Sinabi ni Emergency 911 Executive Director Diosdado Valeroso na kapit-bisig ang private firms at mga indibidwal sa pagtugon sa anumang emergency cases lalo na kung may kalamidad.

Ang Emergency 911 National Office na nilikha ng Executive Order 56 ang nagpapatupad ng Emergency 911 National Pro­gram at Secretariat ng Emergency 911 Commission na pinamumunuan ni DILG Secretary Eduardo Año.

Ang National Call Center functions nito bilang isang central hub ay tumatanggap ng mga tawag at ayuda sa publiko na na­ngangailangan ng tulong.

Umaasa rin ang  Emergency 911 National Office na makabuo ng mas matinding communication systems na mangangasiwa sa anumang emergency calls mula sa alinmang panig ng bansa.

DIOSDADO VALEROSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with