Power interruption sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Magpapatupad ng pansamantalang power interruptions sa ilang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan ngayong linggong ito.
Ito ang Inihayag kahapon ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) bunsod na rin ng isasagawa nilang maintenance works sa kanilang mga pasilidad upang higit pang mapaghusay ang kanilang ipinagkakaloob na serbisyo sa kanilang mga kostumer.
Base sa maintenance schedule ng Meralco, nabatid na ang gagawin nilang pagkukumpuni, na magreresulta sa pansamantalang pagputol ng suplay ng kuryente ay sisimulan sa Martes, Enero 28, at magtatagal hanggang sa Sabado, Pebrero 1.
Kasama sa apektado nito ang ilang lugar sa Quezon City, Parañaque City, Pasig City, San Juan City, Carmona,Cavite, Bocaue, San Rafael, Baliuag sa Bulacan.
- Latest