Sen. Go, plano ang murang liver transplant sa NKTI
MANILA, Philippines — Umaasa si Sen.Bong Go sa darating na panahon ay hindi na kakailanganin ng mga Pinoy na pumunta ng abroad at gumastos ng mahal para lamang sa liver transplant.
Ito ay dahil bubuhusan na ng pondo ng pamahalaan ang pagbili ng mga kagamitan at maging training ng mga doktor sa ibang bansa para sa liver transplant operation.
Ito ang inihayag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go matapos niyang imungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang short-term at long-term na solusyon ukol sa problema sa mahal na liver transplant sa bansa.
Sa ngayon, ang liver transplant operation ay mas mahal ng halos tatlong beses sa P1.2 million halaga ng naturang operasyon sa bansang India at tanging mga pribadong ospital lamang sa bansa ang may kakayahang gumawa nito.
Anya, ang short-term solution ay ang pagbuo ng consortium sa pagitan ng Office of the President (OP), Department of Health (DOH), Philippine Children’s Medical Center (PCMC) at The Medical City (TMC), isang pribadong ospital.
Sa ilalim ng consortium, tinatayang P3.6 milyon ang ilalaan sa bawat benepisyaryo, P2.9 milyon ay bayad sa operasyon sa TMC habang ang natitirang halaga ay ibabayad naman sa pre-operation at post-operation care.
Ang long-term solution naman ay ang pagbili ng mga makabagong kagamitan para pagandahin at gawing advance ang pasilidad ng NKTI. Kasama rin sa plano ang pagpapadala ng mga Pinoy specialist staff sa Kaohsiung Chang-Gung Memorial Hospital (KCGMH) sa Taiwan para sumailalim sa training.
- Latest