P12 pasahe hirit ng jeepney group
MANILA, Philippines — Gawing P12 ang minimum na pasahe sa pampasaherong jeep mula sa kasalukuyang P9.
Ito ang hiniling ng iba’t ibang jeepney group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang isinampang fare hike petition kahapon.
Ayon sa mga grupong Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO);Allianced of Transport Operators and Drivers Assn. of the Phils (ALTODAP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Land Transport Operators of the Philippines (LTOP) at Pasang Masda na napapanahon na maitaas ang pasahe sa jeep dahil tumaas ang halaga ng krudo.
Umaabot na anya sa mahigit P40 ang halaga ng krudo kada litro at maaaring sumipa pa ang presyo dahil sa gulo ng US at Iran at ipapataw na excise tax.
Iginiit ng naturang mga transport group na habang dinidinig ang fare hike petition ay magpapatupad ang LTFRB ng provisional jeepney fare na minimum na P10 upang makatulong sa mga operator at driver mula sa tumaas na gastusin sa krudo.
- Latest