Pinoys sa Libya, pinalilikas
MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa labanan at gagawing pananakop ng puwersa ni Khalifa Haftar sa capital ay hinikayat ng Philippines Embassy ang mga Pinoy sa Tripoli, Libya na lumikas sa ligtas na lugar.
Ayon sa embahada, naligtas nila ang walong Pinoy nurses noong nakaraang Huwebes mula sa clinic na malapit sa nangyayaring labanan.
Tiniyak ng embahada na tutulong sa pag-relocate at pagbibigay ng pansamantalang tirahan sa mga Pinoy at magbibigay din ng tulong ang gobyerno para maibalik sila sa Pilipinas.
Bukod sa mga nurses, may nasa 20 Filipino na ang nailikas mula sa Salahuddin District na naninirahan sa kani-kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na karamihan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya ay mga nurses o kaya ay mga nagta-trabaho sa mga oil fields.
Wala pa namang naiiulat na nasasawing Pinoy sa nangyayaring kaguluhan sa Libya.
- Latest