^

Police Metro

‘Coal tricks’ sa CSP bidding binabantayan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigpit na binabantayan ng mga consumers ang Competitive Selection Process (CSP) para matiyak na magiging abot-kaya ang kanilang bayarin ng makokonsumo sa mga kompanya ng ­elektrisidad.

Kasunod nang pagpapalabas ng power firm ng mga bagong ‘terms of reference’ (TOR) para sa mga bids ng kanilang 1,200 MW po­wer requirement.

Ayon kay Gerry Arances, convenor ng Power for People  Coalition (P4P) na “welcome” sa kanila ang mga pagbabago na ginawa ng  power firms sa kanilang TOR sa kanilang ikalawang mga ‘bids’ matapos maudyukan ng Department of Energy (DoE), pero hindi umano nila nalilimutan kung gaano ang paghahangad nito na ipapasan sa kanilang mga kostumer ang ‘costly and dirty electricity’ mula sa ‘coal’ o karbon.

Binigyang diin ng P4P convenor, na sa pagtatapos ng 2019 na may pinakamataas na naita­lang rekord ng ‘red and yellow alerts’ sa loob lamang ng isang taon sa Luzon grid ay dahil na rin sa karamihan sa pinagkukunan ng elek­trisidad ay mula sa coal power plants na aabutin pa umano ng ilang araw bago maibalik ang operas­yon kapag nagkaroon ng problema.

Hinamon ng grupo ang power firm na ga­wing New Year’s resolution nito bukod sa abot-ka­yang halaga ay ligtas pa sa kalusugan at kalikasan ang kanilang ‘power requirements.’

COMPETITIVE SELECTION PROCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with