^

Police Metro

4 boat operators tinangay ng alon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat na nawawala ang 4 na boat operators sa Santa Fe, Bantayan Island sa paghagupit ng bagyong Ursula sa hila­gang Cebu kahapon.

Kasalukuyan namang nakikipagkoordinasyon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa lokal na Disaster Risk Reduction Management Office sa Santa Fe upang alamin ang sinapit ng nawawalang mga boatmen.

Samantala, nakabalik na ang isang mangingisda na una nang napaulat na nawawala sa Daanbantayan, Cebu.

Ang Bantayan Island at Daanbantayan ay kapwa nasa ilalim ng Signal No. 3 sa pagbayo ng bagyong Ursula ngayong Pasko.

Naitala naman sa 8,800 pamilya o kabu­uang 44,000 katao ang inilikas sa mga evacuation centers sa Daanbantayan dahilan sa banta ng storm surge dulot ng malalakas na pag-ulan at hangin sa paghagupit ng bagyo.

Maging ang mga DRRMO personnels ay inilikas sa Municipal Cultural Center matapos matanggal at ilipad ng malakas na hangin ang bubungan ng kanilang tanggapan.

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with