^

Police Metro

12 sasakyan sinuwag ng trak: 2 todas, 20 sugatan

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang idineklarang dead on arrival sa ospital habang 20 ang nasugatan matapos na suwagin ng isang truck na puno ng buhangin ang 12 sasakyan kahapon ng umaga sa Mendez, Cavite.

Nakilala ang mga na­sawing sina Rolando Ligsa at Roger Santos dahil sa matinding tinamo na sugat sa katawan. Habang dinala naman sa iba’t ibang pagamutan ang 20 sugatan.

Agad naaresto si Romeo Sevilla, tubong San Miguel, Bulacan, driver ng delivery truck na puno ng buhangin na sumuyod sa behikulo na sinasakyan ng mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago nangyari ang insidente, alas -7:15 ng umaga sa kahabaan ng JP Rizal St. Mendez Indang Road, Barangay Poblacion 2 ay magde-deliver sana ng buhangin si Sevilla sa nasabing lugar nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Dahil sa puno ng kargang buhangin ang truck ay nahirapang magpreno bunsod upang masuyod ang 12 sasakyan na nasa unahan nito na ikinasawi ng dalawa katao at ikasugat ng 20 iba pa.

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting to double homicide at multiple homicide at damage to properties si Sevilla.

vuukle comment

ROLANDO LIGSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with