Backrider pisak sa trak
MANILA, Philippines – Isang contructor ang nasawi nang magulungan ng trak matapos tumilapon sa pagkakaangkas sa motor ng kanyang kasamahan makaraang sumalpok sa kasalubong na motor sa kahabaan ng Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite, kamakalawa ng umaga.
Ang namatay ay kinilalang si Francis Pardito, 28, residente ng L22, P3-B, B4 Carissa Homes Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.
Nasugatan naman ang driver ng sinasakyan ng biktima na si Randy Betasolo, 35 at ang driver ng nakabangaang motorsiklo na si Reymundo Fabaer, 32.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng trak na nakilalang si Jayson Castillo, 32, ng Pulo San Isidro, Nueva Ecija.
Sa ulat, bago naganap ang aksidente, alas -9:20 ng umaga ay angkas ang biktima sa Suzuki Smash Motorcycle na kulay gray na minamaneho ni Betasolo at nasa hulihan ng trak na minamaneho ni Castillo nang bigla umanong kumabig ito at nasakop ang kabilang lane dahilan upang sumalpok ito sa paparating na Suzuki Smash Motorcycle na kulay itim na minamaneho naman ni Fabaer.
Tumilapon ang biktima at pumailalim sa trak ni Castillo dahilan upang mapisak ito at namatay noon din.
- Latest