10 milyong Pinoy ‘no read, no write’
MANILA, Philippines — Tinatayang isa sa bawat sampung Filipino o 10 milyon ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang hindi makabasa at makasulat o “no read, no write,” ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.
Ayon sa senador, dapat tutukan ng gobyerno ang Alternative Learning System (ALS), ang parallel learning system ng Department of Education (DepEd) patungo sa formal education system sa bansa.
Sinabi pa ng senador na dapat makinabang sa programa ang nasa 24-milyong Filipino na may edad 15 pataas na hindi nakapagtapos ng high school.
“We have 24 million people who did not graduate from high school, so that’s one out of four, and there are one out of ten or ten percent of our population that cannot read and write, so that’s 10 million. There’s an urgent need to put a lot of attention to ALS because it also captures literacy,” dagdag ni Gatchalian.
Ipinunto pa ni Gatchalian na bagaman at tumaas ang bilang ng mga nag-enroll sa ALS sa mga nakalipas na taon, marami pa ring “potential learners” ang hindi naaabot ng programa.
Base sa tala ng DepEd, nasa 2,025,167 ang nag-enroll sa pagitan 2016 hanggang 2018 pero nasa 1,329,667 learners lamang ang nakakumpleto sa programa.
Ayon pa kay Gatchalian, dapat matiyak ang kalidad ng pagtuturo ng ALS, kaya mahalagang magsagawa ng training program para sa mga guro ng ALS.
- Latest