^

Police Metro

Lady Chinese dinukot ng bading, tiklo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ope­­ratiba ng PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang transgender woman na sangkot sa pagdukot sa isang Chinese kamakalawa sa harapan ng Sofitel Hotel sa Pasay City.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Dainelle Qa Lim, 25, dating lalaki na ngayon ay transgender woman at residente ng 1608 Brio Tower sa lungsod ng Makati.

Pinaghahanap ang iba pang mga suspect na sina Leng Yang at Lan We­qiang; pawang ng 1608 Brio Tower, Makati City at Chen Hang Sheng ng Muntinlupa City.

Sa ulat, bandang alas-3:45 ng hapon kamakalawa nang masakote ang suspect sa harapan ng Sofitel Hotel.

Ang suspect ay inaresto matapos na dumulog sa PNP-AKG nitong Nob­yembre 29, 2019 ang biktimang si Xiong Lifei, 23, tubong Hubei, China, em­pleyado ng Northgate Cyber Zone, Studio 2, Filinvest Alabang, Muntinlupa City matapos umanong dukutin siya ng mga suspect noong Oktubre 20, 2019 dakong alas-11:30 ng gabi sa highway ng kaniyang pinagtatrabahuhan.

Kinidnap siya ng mga suspect kabilang ang apat na lalaki kung saan noong Oktubre 21 ng sumunod na araw ay nagpadala siya ng P1,150,000.00 cash sa pamamagitan ng ally-pay sa pangalan ni Lan Weiquiang sa ibinigay nitong account number at matapos maibigay ang ransom ay pinalaya siya ng mga kidnaper.

Muling nagbigay ang biktima pero ayaw pa rin itong tantanan ng mga suspect na muling hiningan siya nitong Nobyembre 29 ng 5,000 RMB na ipapadeliber sa harap ng hotel ng mga suspek kaya’t napilitan na itong dumulog sa PNP-AKG na ikinaaresto ng suspek.

TRANSGENDER WOMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with