PACC Commissioner kinasuhan
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng grupong Kilusang Pagbabago ang opisyal ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) na si Commissioner Greco Belgic dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas at mandato ng PACC.
Sa press conference, sinabi ni Monalie Dizon, convenor ng nasabing grupo, kasong administratibo at kriminal ang kanyang isinampa laban kay Belgica sa tanggapan ng Ombudsman.
Partikular dito ang kasong graft and corruption, malfeasance, usurpation of authority, grave misconduct and conduct prejudicial to the interest of the service.
Nag-ugat ang kaso dahil sa ginawang entrapment ni Belgica sa dalawang opisyal ng Bureau of Internal Revenue na ang salaray grade ay 26 na hindi saklaw ng kapangyarihan ng PACC.
Inireklamo ni Dizon ang paghawak ni Belgica ng baril habang ginagawa ang entrapment na aniya ay usurpation of authority.
Samantala, kasabay nito nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Kilusang Pagbabago na buwagin na lamang ang PACC lalo na at hindi naman ito nakatutulong na malutas ang mga reklamong idinudulog sa kanila na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan.
- Latest