Duterte sinibak si Robredo bilang drug czar
MANILA, Philippines — Sinibak kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na itinalaga noong Nobyembre 5.
Ito ang ibinunyag kagabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa CNN Philippines.
“President Rodrigo Duterte is firing Vice President Leni Robredo as co-chair of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs,” wika ni Sec. Panelo. Kinumpirma rin ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong gabi sa Malacañang reporters subalit walang ibinigay na detalye.
Kasunod ito ng paghingi ng sorry ng Pangulo kamakalawa ng gabi kay Robredo dahil sa maling impormasyon na inimbitahan umano ng bise presidente ang UN prosecutor na kritiko ng drug war ng administrasyon.
Una nang sinabi ng Pangulo na wala siyang tiwala kay Robredo dahil na rin sa magkabilang panig sila ng usapin ng pulitika at isang oposisyon ang bise presidente.
Itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang co-chair ng ICAD noong November 5.
- Latest