^

Police Metro

2 tirador ng motor kalaboso

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang mga karnaper makaraang masita ng mga pulis dahil sa kahina-hinala nilang bitbit na mga piyesa ng motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Laurence Canama, 18, residente ng No. 29 Republic St., Brgy. 148 Bagong Barrio, Caloocan City at 17-anyos niyang kasama na si alyas “Orie”. Pinaghahanap naman ang itinuturong lider ng kanilang grupo na si Andy Gonzales.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-5:30 ng madaling araw nang masabat ng mga tauhan ng Police Community Precinct 4 ang dalawang suspek sa may Phase 1-A, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan. 

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis dahil sa ulat ng talamak na carnapping ng motorsiklo nang mapansin ang dalawang tinedyer na naglalakad na may bitbit na mga motorcycle fairings.

Walang maipakita na dokumento ang dalawa nang sitahin sila ng mga pulis sa bitbit na kinahoy na fai­rings.  Napansin din ng mga pulis ang isang pen gun sa tagiliran ni Canama kaya kinapkapan sila ng mga pulis at nakumpiska ang naturang armas na may isang bala sa chamber nito.  Nakuha rin kay alyas Orie ang isang patalim at ilang “picklock” at isang bungkos ng “master key” ng mga motorsiklo lalo na sa Mio Sporty.

Nakaditine na ang mga suspek sa Navotas City Police Detention Center at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10883 (Anti-Carnapping), RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) at Artcile 304 ng Revised Penal Code (Possession of Picklocks) sa Navotas City Prosecutor’s Office.

CARNAPPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with