^

Police Metro

Ex-Isabela Gov. Padaca guilty sa malversation at graft

Joy Cantos - Pang-masa
Ex-Isabela Gov. Padaca guilty sa malversation at graft
Lumabas si dating Isabela Governor Grace Padaca sa Sandiganbayan matapos hatulan ng Third Division ng guilty sa kasong graft & malversation.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pagkakulong ng 12-14 taon sa kasong malversation at karagdagang 6-10 taon sa kasong graft ang inihatol ng Sandiganbayan 3rd Division nang mapatunayang guilty sa nasabing kaso si dating Isabela Governor Grace Padaca.

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pagpapasok ni Padaca sa P 25-M agricultural funds para sa rice program ng Isabela sa isang pribadong kumpanya noong 2016.

Sa kabila nito, pinayagan si Padaca na doblehin ang bail bond na P 70,000 o kabuuang P140,000 para sa kaniyang provisional liberty habang iniaapela ang kaso.

Hanggang sa huling sandali, nanindigan si Padaca na wala siyang ninakaw na kahit magkano sa pondo ng gobyerno, dahil ang naturang programa ay napunta lahat sa mga magsasaka sa kanilang lalawigan.

Ang kontrata para sa nasabing halaga ng rice program ay ibinigay ng Isabela government noong panahon ni Padaca bilang gobernador sa Economic Development for Western Isabela at Northern Luzon Foundation, Inc. (EDWINLFI).

Dismayado rin si Padaca na sinabing hindi niya inaasahan ang hatol na guilty dahilan sa binigyan siya ng kapangyarihan ng Sangguniang Panlalawigan na pumasok sa Memorandum of Agreement sa pagpapalabas ng pondo para sa mga magsasaka.

Magugunita na si Padaca ay itinalaga ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III  bilang Commission on Election (Comelec) Chairman noong 2012 kung saan nagdesisyon itong i-award ang P25-M sa EDWINLFI para sa credit facility ng mga magsasaka sa Isabela  pero kinasuhan si Padaca dahilan sa kabiguan nitong sumailalim sa public bidding ang nasabing deal.

Inihayag ni Padaca at ng abogado nitong si Atty. Rogelio Vinluan na magsasampa sila ng motion for reconsideration upang mabaligtad ang hatol.

GRACE PADACA

GRAFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with