^

Police Metro

Build, Build, Build program ‘di bigo

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi bigo ang Build, Build, Build program ng Duterte administration.

Ito ang sinabi kahapon ni Bases and Conversion Development Autho­rity (BCDA) President and CEO Vivencio “Vince” Dizon at hindi sang-ayon na tawaging hindi epek­tibo at hindi tagumpay ang naturang programa ng gobyerno.

Katunayan anya, ay marami na sa mga flagship projects ng Duterte admi­nistration ay natapos na.

Sa mga proyektong ito, 35 ang patuloy pang ginagawa, 32 ang matatapos sa loob ng anim hangang walong buwan, 21 ang nasa advance stages ng government approval, at 12 ang nasa advance stages ng feasibilities.

Nilinaw din nito  na lumang record ang hawak na listahan ni Sen. Franklin Drilon nang sabihin nito na ‘dismal failure’ ang Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Aminado naman si Dizon na may mga pagkukulang pa rin sila na maaaring punan para mas mapabilis pa ang naturang programa ng kasalukuyang administrasyon at hindi naman ipinangako ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na matatapos sa loob ng kanyang termino ang mga big ticket projects.

VIVENCIO DIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with