^

Police Metro

Isa pang Pampanga ‘ninja cop’ dinismis sa serbisyo

Joy Cantos - Pang-masa
Isa pang Pampanga ‘ninja cop’ dinismis sa serbisyo
Si De Guzman at ang tatlong nabanggit na pulis ay kasama sa 13 dating miyembro ng Pampanga police na inakusahan na nangupit ng mahigit 160 kilos ng shabu mula sa isang drug operation laban sa suspected Chinese drug lord noong 2013.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Sinibak sa serbisyo ng Philippine National Police ang isang police officer na sangkot sa kontrobersyal na Pampanga 2013 drug raid na kung saan ay milyong halaga ng shabu ang umano ay na-recycle.

Una nang sinuspinde si Police Lt. Joven de Guzman ng 2 buwan dahil sa command res­ponsibility kasunod ng maanomalyang drug ope­ration sa Antipolo City noong Mayo, na sangkot din ang 3 Pampanga pulis na kasama sa nagre-recycle ng shabu na sina Police Master Sgt. Donald Duque at Rommel Vital; at Police Corporal Romeo Encarnacion Guerrero Jr. na unang sinibak sa serbisyo.

Si De Guzman at ang tatlong nabanggit na pulis ay kasama sa 13 dating miyembro ng Pampanga police na inakusahan na nangupit ng mahigit 160 kilos ng shabu mula sa isang drug operation laban sa suspected Chinese drug lord noong 2013. 

Una nang sinibak ang tatlong pulis na suma­lakay sa bahay ng isang Arnold Gramaje sa Antipolo na walang kaukulang search warrant at ipinalabas na  drug bust.

NINJA COP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with