^

Police Metro

Search warrant na inisyu ng executive judge pwedeng gamitin nationwide-SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maaaring gamitin sa buong bansa ang search warrant na inisyu ng ­executive judges ng Manila at Quezon City dahil ito ay legal.

Ito ang paglilinaw ni Supreme Court spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, bunsod ng pagsalakay sa tanggapan ng  Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Kilusang Mayo Uno, Anakpawis, Gabriela, at National Federation of Sugar Workers sa Negros Occidental.

Ayon kay Hosaka, inatas ni Chief Justice Diosdado Peralta ang Court Administrator na paalalahanan ang mga judges na maging makatwiran at  naaayon sa batas matapos na hilingin ni  Bayan Muna chair Neri Colmenares sa SC pag-aralan ang pag-iisyu ng  warrant matapos umabot sa 57 aktibista ang dinakip nang salakayin ng PNP at Philippine Army.

Ang naturang  warrant ay inisyu ni Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City Regional Trial Court Branch 89.

Ang mga regional trial court judge naman ay na nag-isyu ng search warrant ay maaaring magamit para lamang sa kanilang nasasakupan.

BRIAN KEITH HOSAKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with