Pekeng LPG tank nagkalat pa rin
MANILA, Philippines — Kahit may standards enforcement campaign at market monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Metro Manila at karatig lalawigan ay nagpapatuloy pa rin ang bentahan ng mga pekeng liquified petroleum gas (LPG) sa merkado.
Kaya’t pinapayuhan ng DTI ang publiko na bumili lamang ng LPG tank na nagtataglay ng markang PS at ICC upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng mga mamimili.
Sa reklamong inihain ng lehitimong manufacturer na WQSY Marketing na ipinaabot sa Department of Trade and Industry-Bureau of Philippines Standards (PS) at ICC, nagkalat pa rin ang mga pekeng LPG na Speed Gaz at Bess Gaz na walang marka ng Philippines Standard (PS) at Import Clearance (ICC).??
Nabatid na naunang inireklamo ang paglaganap ng mura, wala umanong sertipiko at substandard na LPG tank na “Speed Gaz at Bess Gaz” at walang tatak na PS Mark, ICC at ilang mandatory markings na ibinibigay ng DTI-BPS.
Subalit hindi mapigilan ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang nagkalat na pekeng LPG tank na may nakaambang panganib sa publiko.
Isa ang WQSY Marketing sa mga lehitimong manufacturers na may libu-libong manggagawa na umaasa sa industriya ng tunay ang LPG tank at nakapagpapalago ng ating ekonomiya.??
Lumiham na ang WQSY Marketing sa DTI-BPS na kung saan ay binigyan din ng kopya ang Office of the Executive Secretary, Malacañang, Manila at ang Department of Energy na gumawa ng kaukulang aksyon bago maganap ang posibleng trahedya ng sunog.
- Latest