^

Police Metro

Energy chief binatikos ng P4P

Pang-masa

MANILA, Philippines — Binatikos ng Power for People Coalition (P4P) si Energy Secre­tary Al Cusi dahil sa umano’y nakakalitong mensahe nito na idineliber ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte tungkol sa “coal” sa isi­nagawang speech nito sa “switch on celebration” ng San Buenaventura 500-megawatt supercritical coal fired power plant kahapon.

Sa pagdalo ng Pa­ngulong Duterte, muli ay ipinangako nito ang pagpapanatili ng renewable energy (RE) sa bansa, kahit na pinangunahan nito ang selebrasyon ng pagbubukas ng isa na namang ‘coal-fired power plant.’

“The President is sending out mixed signals – he reiterated what he said in his SONA about increasing the use of renewable energy while adding yet another coal-fired power plant to the energy mix of the country,” ayon kay Gerry Arances, convenor ng P4P.

Ayon kay Arances, ang kautusan ng Pa­ngulo ay binabalewala at sinisira ng mga maling payo ni Cusi, na nagpapatitibay at pinaninindigan ang “technology neutral” na magpapaunlad umano ng bagong pagkukunan ng enerhiya sa bansa.

“There is no such thing as clean coal. Coal will always produce pollution when it is extracted and when it is burned. The power it produces will remain expensive, and it will always be unreliable,” giit ni Arances.

AL CUSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with