Victory Liner-Caloocan ISO certified na
MANILA, Philippines — Isa nang ISO certified ang Victory Liner, na isa sa pinakamalaki at pinagkakatiwalaang bus transport services sa Luzon makaraang makakuha ng Victory Liner- Caloocan City-based central maintenance hub ng ISO 9001:2015 certification mula sa ISO central secretariat na nakabase sa Geneva, Switzerland.
Ang Victory Liner na ang nag-iisa at tanging transport company sa Pilipinas na may maintenance shop na compliant ng global standards na inaprubahan ng 170 mga bansa.
Ayon kay Marivic H. Del Pilar, vice president for finance and Marketing ng Victory Liner na isang malaking karangalan na sila ay nasertipakahan ng ISO, kaya’t makakatiyak ang mga pasahero na ligtas sila sa mga biyahe at may mahusay na serbisyong matatanggap mula sa kumpanya.
Ang ISO 9001:2015 ay kumikilala sa buong mundo ng mga criteria para sa quality management system sa may mahigit 1 milyong kompanya at organisasyon sa 170 bansa.
- Latest