161 sumuko sa GCTA palalayain ng DOJ
MANILA, Philippines — Palalayain ng Department of Justice ang nasa 161 convicts na unang pinalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) law at muling sumuko sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, ang 161 ay kabilang sa 800 na Persons Deprived of Liberty (PDL) na sumuko at hindi sakop ng GCTA.
Sinabi ni Perete na kailangan na muling tingnan at pag-aralan mabuti ang kaso ng mga bilanggo lalo pa’t ilan sa mga bilanggo ay kulang kulang ang records.
Matatandaan na 2,100 convicts ang sumuko matapos na magbaba ng 15-day ultimatum si Pangulong Duterte sa mga preso na may kasong heinous crime at maraming convicts ang natakot at sumuko.
Paliwanag ng mga convicts napilitan silang sumuko para na rin sa kanilang seguridad.
- Latest