^

Police Metro

Ninja cop pinatawan ng contempt

Malou Escudero - Pang-masa
Ninja cop pinatawan ng contempt
Isinulong ni Senator Panfilo Lacson ang pag-contempt kay Baloyo na sinugundahan naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.
The STAR/Geremy Pintolo, File photo

MANILA, Philippines — Dahil umano sa pagsisinungaling ay pinatawan ng contempt ng Senate commmitees on Justice and human rights at Blue Ribbon si Major Rodney Raymundo Baloyo IV, isa sa 13 “ninja cops” na sangkot sa kuwestiyunableng drug buy bust operation sa Pampanga noong 2013.

Isinulong ni Senator Panfilo Lacson ang pag-contempt kay Baloyo na sinugundahan naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Kumbinsido ang mga senador na nagsisinunga­ling si Baloyo na namuno sa nangyaring operasyon sa Woodridge Subdivision, Lakeshore View, Pampanga noong Nobyembre 29, 2013.

Bago ang contempt ay nagbabala si Drilon na maaring makulong si Baloyo sa Pasay City Jail hanggang matapos ang 18th Congress sa 2022.

Subalit, nagdesisyon si Sen. Richard Gordon na huwag sa Pasay City Jail, ikulong si Baloyo kundi sa New Bilibid Prison.

Hindi umano tugma ang mga naging pahayag ni Baloyo sa resulta ng imbestigasyong isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  na pinamumunuan nina Brig. General Albert Ignatius Ferro at Region 3 police chief Brig. General Rudy Lacadin.

CONTEMPT

FRANKLIN DRILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with