^

Police Metro

Solon kay Lacson: Mag-sorry ka sa Kongreso!

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa mali at walang basehang paratang na may dagdag na pondo sa nakalakip na proposed 2020 national budget para umano sa mga deputy speakers at ibang kongresista ay hiniling ni Capiz Congressman Fredenil Castro na humingi ng paumanhin si Sen. Panfilo Lacson sa buong institusyon ng Kamara de Representante at sa mga mambabatas nito.

Bilang kinatawan ng Kamara, sinabi ni Castro na dapat na agad na mag-sorrry si Lacson dahil napatunayang “wala ni katiting na  katotohanan” ang mga alegasyon nitong may P1.5 bilyong dagdag na pondo ang bawat deputy speaker, at P700 milyon ang bawat kongresista sa 2020 national budget.

“Tulad ng nauna ko nang nasabi, hindi tayo mga batang musmos dito sa Kongreso na basta na lang magtuturo at magbibintang ng walang basehan. Ang unang pinakamarangal na gawin ni Senador Panfilo Lacson ngayong nakita naman nating walang katotohanan ang kanyang mga sinasabi ay magpaumanhin sa mga mambabatas na miyembro ng institusyon ng House of Representatives,” ani Castro.

Ayon kay Castro, bigla na lamang binaligtad ni Lacson ang kanyang naunang pahayag at sinabi na hindi na ito umano itinuloy ang plano bago pa man ito naihayag sa media.

“Sen. Ping, halatang-halata namang palusot mo na itong bago mong sinasabi. Aminin mo na nakuryente ka. Kaya’t mag-sorry ka sa amin dahil ang mga mali mong alegasyon ay nakakasira hindi lamang sa reputasyon ng bawat mambabatas, kundi ng imahe ng institusyon ng Kongreso,” ayon pa kay Castro.

Nauna nang sinabi ni  Deputy Speaker for Good Go­vernance and Moral Uprightness Bro. Eddie Villanueva ng CIBAC partylist na pawang kasinungalingan lamang ang mga naunang  alegasyon ni Lacson.

Bilang isang “gentleman” at kapwa mambabatas, isang moral duty ni Lacson na aminin ang kanyang pagkakamali, dagdag pa ni Castro.

FREDENIL CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with