^

Police Metro

Mayorya ng Pinoy kuntento sa drug war ni Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
Mayorya ng Pinoy kuntento sa drug war ni Duterte
Ayon sa SWS, 82% ng mga adult Filipino respondents ang naghayag na kontento sila sa paraan ng pagsugpo ng Duterte administrasyon kontra ilegal na droga.Habang nasa 12 porsyento ang dismayado at anim na porsyento ang undecided.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Filipino ang kuntento sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Ikinatuwa ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, ang nasabing survey na nagpapatunay lamang na suportado ng mayorya ng Filipino ang drug war ni Pangulong Duterte.

Anya, patuloy lamang ang drug war ng gobyerno upang tuluyang masugpo ang illegal drugs sa bansa na pangako ni Pangulong Duterte.

Sa resulta ng pinakahuling survey ng SWS, nakakuha ng plus 70 o “excellent” net satisfaction rating ang anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Ayon sa SWS, 82% ng mga adult Filipino respondents ang naghayag na kontento sila sa paraan ng pagsugpo ng Duterte administrasyon kontra ilegal na droga.Habang nasa 12 porsyento ang dismayado at anim na porsyento ang undecided.

Isinagawa ang na­banggit na survey noong Hunyo 22 hanggang Hun­yo 26 sa may 1,200 mga adult respondents.

Ayon pa sa survey na ilan sa mga respondents ang naniniwalang nakatulong ang kampanya ng pamahalaan para lumiit ang bilang ng mga drug suspects at kalakalan ng mga ipinagbabawal na gamot.

ILEGAL NA DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with