^

Police Metro

Hotel sa Malate gumuho: 2 obrero, dedo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Hotel sa Malate gumuho: 2 obrero, dedo
Nakuha ng mga rescuers ang katawan ng isa sa obrero na naipit ng beam sa pagguho ng isang hotel sa Malate, Maynila, kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dalawang obrero ang kumpirmadong nasawi matapos gumuho ang isang bahagi ng hotel na ginigiba sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Makalipas ang halos anim na oras simula nang gumuho ang isang bahagi ng hotel sa Malate ay nakuha na ang bangkay ng obrerong si Melo Ison.

Sinabi ni Manila Ma­yor Isko Moreno, pasado alas-3:00 ng hapon nang matagpuan ang katawan ni Ison sa ilalim ng bumagsak na beam na walang pulso at agad na dinala sa Ospital ng Maynila na kung saan ay idineklara itong dead on arrival.

Samantala, patuloy ang isinasagawang retrieval operations sa isa pang obrero na kinilalang si Jeromie Fabello, na naipit sa gumuhong hotel na pinaniniwalaang patay na rin.

 Ayon kay Manila Police District Director P/Brig. General Vicente Danao Jr., alas-9:15 ng umaga nang mag-collapse ang gusali habang nasa loob ang 22 construction workers.

Mabilis ding nagbigay ng direktiba si Moreno na pansamantalang isara na rin ang hotel na nasa Adriatico side ng Malate na operational upang makatiyak na hindi maapektuhan nang pagguho.

GUMUHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with