P33-M reward sa Batocabe slay hinahanap kay Albayalde ng solon
MANILA, Philippines — Hinihingan ng paliwanag ni Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Gabin Jr., si PNP Chief Director General Oscar Albayalde kung saan napunta ang P33 milyong pisong reward sa anim na sumukong gunmen na tumestigo kay dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na itinuturong utak sa pagpatay sa dati nitong kasamahan na si Rodel Batocabe noong Disyembre 22.
Sinabi ni Garbin Jr., dapat na magkaroon umano ng transparency at kailangang ilantad ni Albayalde kung saan napunta ang premyo sa mga tumestigo laban kay Baldo.
May kabuuang P33-milyong piso ang napasakamay umano ni Albayalde kung saan nagmula ang P20-milyong piso kay Presidente Rodrigo Duterte at P13-milyong piso mula naman sa kontribusyon ng mga kongesista na dating miyembro ng 17th Congress.
Hinahanapan ngayon ang liderato ng PNP ng mga kongresista matapos malamang ‘kakapiranggot’ na bahagi lamang ang natanggap ng pamilya ng anim na mga umaming gunmen at tumestigo laban kay Baldo kung saan karamihan sa kanila ay nag-retract (nagbago) ng statement dahil sa ‘nadismaya’ makaraang umasa na malaking bahagi ang mapupunta sa kanila.
Ayon sa impormasyon ng mga kongresista nasa 15 porsyento lamang na halaga sa kabuuang P33-milyon ang natanggap ng pamilya ng mga testigo.
- Latest