^

Police Metro

Iba’t-ibang ‘money making schemes’ sa Bilibid, nabunyag

Malou Escudero - Pang-masa
Iba’t-ibang ‘money making schemes’ sa Bilibid, nabunyag
Bukod sa mga nasabing money-making schemes, mayroon ding mga “special request” katulad ng parties at pagpapapasok ng mga babae mula sa ibang bansa na nagtatagal ng ilang araw sa loob ng NBP.
File

MANILA, Philippines — Mga iba’t ibang uri ng raket at anomalyang nangyayari sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ang ibinunyag kahapon ng mga dating opisyal ng Bureau of Correction (BuCor) sa ikalimang pagdinig ng Senate committee on justice and human rights, kaugnay sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA).

Humarap ang dating officer-in-charge ng BuCor na si Rafael Ragos at National Bureau of Investigation (NBI) intillegence agent Jovencio Ablen Jr., na nagsiwalat ng iba’t ibang raket sa loob ng bilangguan.

Sinabi ni Ragos na naging OIC siya ng NBP noong September 2012 matapos italaga ni dating Justice secretary at detained Senador Leila de Lima at naabutan na umano nila ang iba’t ibang raket katulad nang pagpapapasok ng mga babae na tinatawag na “tilapia.”

Ang mga high-profile inmates umano ang nakakapagpapasok ng mga babae na nagkakahalaga ng P30,000 bawat isa.

Pinangalanan din ni Ragos si Peter Co na palaging may dumadalaw na mga babae na ang iba ay foreigners at sa level pa lamang aniya ng mga guwardiya ay nagkakaroon na ng korupsiyon.

Isiniwalat din ni Ragos na nagiging biktima ng kidnapping ang mga babae na nagiging asawa o girlfriends ng mga high-profile inmates.

Nakikidnap umano ang mga babae paglabas ng NBP at nagkakaroon ng bayaran ng ransom sa loob mismo ng bilangguan na ang tawaran ay bumababa ng hanggang P200,000 at mismong mga kasamahang inmates umano ng mga high-profile inmates ang nagti-tip kung sino ang kikidnapin.

Itinanggi naman ni Ragos kung magkano umaabot ang bayaran sa sugalan dahil hindi na umano niya ito naabutan.

Isa pa aniyang pinagkakakitaan ang “catering” kung saan ang bahagi ng food allowances ng mga inmates ay napupunta sa mga opisyal ng BuCor na umaabot sa P800,000 isang buwan.

“Noong panahon ko po ang catering mayroon akong kaibigan na nag-aabot siya mga P800,000 a month,” sabi ni Ragos.

Inamin din ni Ragos na mayroon ding “SOP kung saan ang “instant collection” mula sa mga inmates ay nakakarating sa director ng BuCor.

“Yong sa part ko walang nakarating pero alam ko may nangolekta eh… Katulad kay Butong (Boratong) Amin nag-offer siya sa akin ng ring na worth P600,000….sabi ko kay Buratong hindi ko kailangan yan,” ani Ragos.

Bukod sa mga nasabing money-making schemes, mayroon ding mga “special request” katulad ng parties at pagpapapasok ng mga babae mula sa ibang bansa na nagtatagal ng ilang araw sa loob ng NBP.

Sinabi naman ni Ablen na ang mga money-making scheme ay maaaring umabot ng hanggang P500,000 isang linggo.

BUREAU OF CORRECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with