^

Police Metro

Lady cops idineploy sa EDSA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdeploy ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng karagdagang babaeng pulis upang tumulong sa mga lalaking traffic enforcers para sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Pinangunahan kahapon ni PNP-HPG Director Police Brig. Gen. Eliseo DC Cruz ang paglulunsad ng HPG-All Women Patrollers/Traffic Supervisors Unit sa kahabaan ng EDSA sa panulukan ng Boni Serrano malapit sa Camp Crame, Quezon City.

Ang 20 kababaihang HPG officers ay kabilang sa Special HPG unit na mga sinanay na riders, traffic enforcement supervisors ay itatalaga sa EDSA sa dalawang shifts mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon at mula alas-3:00 ng hapon hanggang ala-1:00 ng madaling araw.

 Ang HPG All-Women Patrollers/Traffic Supervisors Unit ay bahagi ng kabuuang 48 babaeng pulis na nagtapos sa motorcycle riding school kung saan ang pagsasanay ay nagsimula noong nakalipas na taon.

Ang mga kababaihang riders ay hindi deputado para mag-isyu ng tickets manapa’y makakatuwang lamang ng mga kalalakihang HPG traffic enforcers na otorisado ng Land Transportation Office (LTO) at Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) na mag-isyu ng ticket.

TRAFFIC ENFORCERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with