^

Police Metro

Faeldon gigisahin ng senado sa GCTA

Rudy Andal - Pang-masa
Faeldon gigisahin ng senado sa GCTA
Binigyang-diin sa subpoena na kailangang sumipot ni Faeldon sa pagdinig kung ayaw nitong magkaroon ng mas mabigat na responsibilidad sa Senado.
STAR/Michael Varcas/Mong Pintolo

Senador Dela Rosa kasama rin...

MANILA, Philippines — Posibleng magisa si Bureau of Corrections (BuCor) Director Ge­neral Nicanor Faeldon sa pagdinig na gagawin ng Senado tungkol sa isyu ng kuwestiyonableng pag­papatupad ng good conduct time allo­wance (GCTA) nang ito ay pa­dalhan ng subpoena para maobligang dumalo sa gaganaping pagdinig nga­yong araw.

Nabatid na nakatang­gap umano ng liham ang Se­nate blue ribbon committee mula kay Fa­eldon na nagsasabing hindi ito dadalo sa hearing na itinakda ngayong araw at sa halip ay ipapadala lamang nito ang legal office chief ng BuCor na si Frederic Antonio Santos dahil sa may da­daluhan umano itong training na sponsored ng Canadian embassy.

Nagalit umano si Sen. Richard Gordon, nang ma­­basa ang sulat ni Faeldon na hindi dadalo kaya agad nitong inatasan ang kanyang komite na maghanda ng rekomendasyon upang humingi ng subpoena.

Tinawagan umano ni Gordon si Senate Pre­sident Vicente Sotto III upang hingin ang kanyang pahintulot na pirmahan ang subpoena na ihahain kay Faeldon.

Binigyang-diin sa subpoena na kailangang sumipot ni Faeldon sa pagdinig kung ayaw nitong magkaroon ng mas mabigat na responsibilidad sa Senado.

Nais na pagpaliwa­nagin ng ilang mga mam­ba­batas si Faeldon kung paano napalaya ang halos 2,000 mga preso sa ilalim ng GCTA law.

Hihingin din ang panig ni Faeldon kung bakit napasama rito si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta noong 1993.

Iginiit kahapon ni Sen. Sotto na hindi lamang si Faeldon ang magigisa kundi maging si Sen. Ronald Dela Rosa na naging BuCor chief din.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

GOOD CONDUCT TIME ALLO­WANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with