^

Police Metro

‘No homework policy’ ipapatupad

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipagbawal ang pagbi­bigay ng mga assignment sa mga estud­­yante tuwing weekend.

Ito ay sa sandaling maisabatas na ang mga panukalang inihain nina House Deputy Speaker Evelina Escudero  at Quezon Rep. Alfred Vargas.

Sa ilalim ng House Bill 3611 ni Escudero magkakaroon ng no-homework policy ang Department of Education mula kinder hanggang high school.

Dahil nababawasan umano ang oras nang pagpapahinga at pag-uusap ng mga estudyante at mga magulang tuwing weekends.

Nakasaad din sa panukala na ipagbabawal ng iuwi ng estudyante ang kan­yang mga libro sa bahay kaya ma­gi­ging magaan na ang dala nilang school bag.

Sa  House bill 3883 naman na inihain ni Vargas ipagbabawal lamang ang pagbibigay ng homework kapag weekend.

Papatawan ng P50,000 multa at isa hanggang dalawang taong kulong ang mga guro na magbibigay ng assignment kapag weekend.

Layon nito na masiyahan ang mga estudyante sa kanilang libreng oras tuwing weekend at kalidad na oras para sa kanilang mga pamilya.

ASSIGNMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with