Vice gov. ng Southern Leyte inireklamo ng rape
MANILA, Philippines — Pinatatawag ng Ombudsman si Southern Leyte Vice Governor Christopherson Yap dahil sa reklamo ng pangre-rape sa isang 17-anyos na dalagita noong 2016.
Sa affidavit na isinampa ng biktima sa Ombudsman, na hindi pinangalaganan, naganap ang paghalay sa kanya ni Yap sa loob ng sports utility vehicle nito.
Isinalaysay ng biktima na kahit siya ay magsisigaw sa loob ng sasakyan ni Yap para humingi ng tulong ay hindi siya naririnig ng mga tao dahil nakatodo ang volume ng radyo at nakasarado ang pintuan ng sasakyan.
Makaraan ang dalawang linggo ay pinagtangkaan ulit siyang halayin ni Yap, pero napigilan siya ng kanyang pinsan.
Si Yap ay naging gobernador noong 2017 nang palitan niya ang dinismis na si Governor Damian Mercado.
Subalit, nitong 2019 elections ay si Mercado bilang governor at vice governor naman si Yap.
- Latest