North Cotabato Gov., sinuspinde ng Sandigan
MANILA, Philippines — Siyamnapung araw ang ipinataw na suspension ng Sandiganbayan 6th Division laban kay North Cotabato governor Nancy Catamco.
Sa 7 pahinang resolusyon ng anti-graft court, inaatasan ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang suspension order at dapat ipaalam sa korte ang aksyong ginawa nito sa loob ng 15-araw matapos matanggap ang kautusan.
Sa impormasyon na inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan noong Mayo 2004 ay nakipagsabwatan umano si Catamco sa kanyang mga kapwa akusado na sina Poro Cebu Municipal Mayor Edgar Rama at Pompey Perez at ilan pang miyembro ng Municipal council na kanya ring kasosyo sa Perzebros company.
Sa kumpanya umano ni Catamco at partner niya ibinigay ang award para sa pagbili ng P5 milyon contract para sa mahigit tatlong libong bote ng Vitacrop liquid organic fertilizers na nagkakahalaga ng P1,500 kada bote na hindi naman dumaan sa public bidding at wala rin rekomendasyon ang Bids and Awards committee.
- Latest