^

Police Metro

Isko nakaapak ng ebak sa Bonifacio Shrine

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Isko nakaapak ng ebak sa Bonifacio Shrine
Itinuturo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isa sa mga ebak na nagkalat sa pa­ligid ng Bonifacio Shrine na malapit lang sa Manila City Hall. Agad ding sinibak ang police commander na nakakasakop sa lugar.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Agad na pinasibak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay MPD Director P/Brig.General Vicente Danao ang PCP Commander ng Lawton dahil sa nagkalat na ebak ng tao sa paligid ng Bonifacio Shrine.

Unang nagsagawa ng inspeksyon si Domagoso sa mga karinderya sa likod ng monumento ni Bonifacio at inutos ang paggiba at sunod na pinuntahan ang buong paligid ng monumento kung saan ay minalas na makatapak ng ebak.

Ayon kay Domagoso na ito na ang pinakamala-king banyo na kanyang nakita dahil ginawa ng kubeta ang Bonifacio Shrine kung saan may 100 tumpok ng dumi ng tao ang nagkalat.

Kaya’t agad tinawa-gan ni Domagoso si Danao para sa agarang pagsibak sa puwesto kayP/Lt. Ro-wel Robles na siyang PCP commander sa Lawton.

Anya, masyado nang binaboy at sinalaula ng mga palaboy ang monumento ni Bonifacio ma-ging ang tanggapan ng alkalde ng Maynila dahil 50 hakbang lamang ang layo nito.

Mabilis binombahan ng tubig at sinanitize ang paligid ng Bonifacio Shrine at inutos ni Domagoso na arestuhin ang sinumang magtatam­bay sa lugar.

FRANCISCO DOMAGOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with