^

Police Metro

Parak na nanigaw sa call center agent, tinanggal

Mer Layson - Pang-masa
Parak na nanigaw sa call center agent, tinanggal
Agad sinibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen Guil­lermo Lorenzo Eleazar sa puwesto si P/SMS Arnulfo Ardales, na nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 3 ng San Juan City Police dahil sa misconduct.
File

MANILA, Philippines — Tinanggal sa puwesto ang isang pulis na nag-viral ang video habang kinokompronta at pinagsasalitaan ng masama ang isang call center agent sa loob ng isang ka­rinderya matapos lamang umanong “masapawan” siya nito habang bumibili ng pagkain sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Agad sinibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen Guil­lermo Lorenzo Eleazar sa puwesto si P/SMS Arnulfo Ardales, na nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 3 ng San Juan City Police dahil sa misconduct.

Ipinag-utos ni Eleazar na ilipat muna si Ardales sa District Headquarters Support Unit (DHSU) ng Eastern Police District (EPD) habang iniim­bestigahan pa nila ang insidente.

Nabatid na nag-ugat ang pagsibak sa pulis sa isang video na nag-viral sa social media, kung saan makikita si Ardales na kinokompronta ang complainant na si Aaron Estrada, 21, call center agent sa loob ng isang karinderya sa Aurora Boulevard, kanto ng R. Lagmay St. sa Brgy. Ermitaño, San Juan City, dakong alas-11:00 ng gabi nitong Sabado.

 Sa video ay tila nabastusan si Ardales nang habang bumibili siya ay pumasok si Estrada at dumukwang sa tindahan upang bumili rin sana.

Kaagad na sinita at pinagsalitaan ng pulis ang biktima nang aniya ay ‘sapawan’ siya nito gayung nauna siyang bumili sa tindahan.

Pinagmumura, dinuro at pinagbantaan pa ng suspek na aarestuhin at mamarkahan ang complainant ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may nakapag-video sa kanyang ginagawa, kaya’t kaagad itong nakaabot sa kaalaman ni Eleazar.

Hinikayat ng NCRPO chief ang publiko na tulungan ang Philippine National Police (PNP) sa paglilinis ng kanilang hanay sa pamamagitan nang pagbibigay ng impormas­yon sa mga ganitong uri ng abusadong pulis, upang magawaan nila ng kaukulang aksyon.

ARNULFO ARDALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with