^

Police Metro

Al Qaeda terrorist, tiklo

Joy Cantos - Pang-masa
Al Qaeda terrorist, tiklo
Ayon kay PNP –Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Police Major Gen. Amador Corpus na si Abdullah ay nanumpa sa Al Qaeda international terrorist group noong 2012 na aktibong nago-operate sa silangang bahagi ng Africa.
File

MANILA, Philippines — Isang Kenyan national na pinaniniwalaang miyembro ng international terror group Al Qaeda ang nadakip ng mga otoridad kahapon sa isang hotel sa Iba, Zambales.

Kinilala ang naarestong suspek na si Cholo Abdi Abdullah at nakum­piska sa kanyang inuupahang kuwarto ang improvised explosive device, bomb components, baril at granada.

Ayon kay PNP –Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Police Major Gen. Amador Corpus na si Abdullah ay nanumpa sa Al Qaeda international terrorist group noong 2012 na aktibong nago-operate sa silangang bahagi ng Africa.

Sa ulat, bago nasakote bandang alas -3:30 ng hapon ang suspek ng pinagsanib na elemento ng CIDG at tropa ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) sa operasyon sa Room 24, Rasaca Hotel, Iba, Zambales ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa presenya ng dayuhang Al Qaeda terrorist sa bansa.

Nabatid na si Abdullah ay nag-aaral maging piloto sa All Asia Aviation Aca­demy at nagsasagawa rin ng pananaliksik sa iba’t-ibang uri ng banta sa himpapawid kabilang ang aircraft hijac­king at pamemeke ng mga travel documents.

 Ang dayuhang suspect ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Emmanuel Silva ng Mari­veles, Bataan Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Firearms and Ammunition Act) at RA 9516 (Unlawful manufacture sales, acquisition, disposition and importation of explosive or incendiary device).

Isinasailalim sa tactical interrogat­ion ang suspek upang mabatid kung may pinaplano itong maghasik ng terorismo sa Pilipinas  at kung may iba pa itong mga kasama.

AL QAEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with