^

Police Metro

BI inaresto ang 106 alien workers

Doris­ Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aabot sa 106 foreign nationals na nagtatrabaho ng walang dokumento ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration nang salakayin ang isang business process outsourcing company sa Biñan, Laguna.

Nabatid na naaktuhan ng mga operatiba ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa BPO nang walang sapat na dokumento o mga visa para makapagtrabaho sa loob ng bansa.

Dalawampu’t isa sa mga naarestong illegal aliens ay pawang mga babae habang 84 naman sa mga ito ay pawang mga lalake.

Nasa 97 ang mga Chinese, habang 4 ang Indonesian, 3 ang Malaysian, 1 ang Vietnamese, at 1 Laotian.

Mananatili sa kostu­diya ng BI holding facility sa Bicutan, Taguig City ang mga naarestong fo­reign nationals at nakatakdang ipadeport pabalik sa kanilang mga bansa.

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with