Mangingisda gutay sa dinamita
MANILA, Philippines — Isang 31-anyos na mangingisda ang agad nasawi matapos sumabog sa kanyang katawan ang improvised dynamite na gagamitin nito sa pangingisda naganap kamakalawa sa bayan ng Garchitorena, Camarines Sur.
Halos nagutay ang katawan ng biktima na kinilalang si Jeffrey Tablizo Revira, ng Brgy.Binagasbasan.
Sa salaysay ng tatay ng biktima na si Ramon Revira, 48, sa pulisya, dakong alas-11:00 ng umaga ay pumalaot ang kanyang anak kasama ang isang alyas “Taba”, at may dalang dinamita na gagamitin sa panghuhuli ng isda.
Dakong alas-2:00 ng hapon ay bumalik si Taba at dala na ang bangkay ng anak at sinabi na pumutok sa kamay ng biktima ang pampasabog na gagamitin nito.
- Latest