^

Police Metro

Magpapakalat ng hubad na larawan ng estudyante sa internet, kakasuhan

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahaharap sa kasong­ cyberbullying ang sinu­mang mapapatunayang nagpapakalat ng hubad na larawan ng mga estud­yante sa internet.

Ito ang naging babala ni Philippine National Police (PNP) spokesman Police Col. Bernard Banac, kaya dapat kaagad ipagbigay sa mga otoridad ang ganitong mga pangyayari para mabigyan ng aksyon dahil isa itong uri ng cyberbullying ang pagpapakalat ng malalaswang larawan sa internet.

Iginiit pa ng opisyal na ang ganitong modus ay mahigpit na ipinagbabawal sa batas at maaaring maharap sa isang mahigpit na parusa tulad ng pagkakakulong.

Ginawa ni Banac ang babala dahil sa ilang estudyante ng Philippine Science High School (PSHS) ang nag-post online ng maseselang bahagi ng katawan ng mga babaeng estudyante na ilan dito ay menor-de-edad na hindi ipinasama sa martsa sa graduation noong nakaraang linggo.

Ganito rin umano ang nangyari sa University of Santo Tomas (UST) students na nagpakalat ng hubad na larawan sa pamamagitan ng group chat gamit ang google drive.

Hinikayat ni Banac ang mga school officials na tugunan ang cyber bullying dahil maaari lamang umaksyon ang mga pulis kapag inanyayahan sila ng eskwelahan.

CYBERBULLYING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with