^

Police Metro

Habang papasok sa trabaho… Pulis-Navotas itinumba

Lordeth Bonilla - Pang-masa
Habang papasok sa trabaho� Pulis-Navotas itinumba
Ang pulis na napatay na tinangay pa pati ang motor at baril ay kinilalang si P/Cpl. Alex Santa Ana Vitug, Jr., 33, ng Blk. 10, Lt 15, Del Mar Subdivision, Llano, Caloocan City, at nakatalaga sa Mobile Patrol Unit ng Navotas City Police.
File

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang pulis-Navotas matapos ratratin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo na patungo sa himpilan upang mag-duty naganap kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang pulis na napatay na tinangay pa pati ang motor at baril ay kinilalang si P/Cpl. Alex Santa Ana Vitug, Jr., 33, ng Blk. 10, Lt 15, Del Mar Subdivision, Llano, Caloocan City, at nakatalaga sa Mobile Patrol Unit ng Navotas City Police.

Nagsasagawa na ng follow-up ang mga pulis hinggil sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa ulat, dakong alas-7:20, kamakalawa ng gabi, patungo na sana ang biktima sa presinto upang mag-duty nang sa pagsapit sa panulukan ng Areneta Ave. at Tuazon St., sa Brgy. Potrero ay biglang sumulpot ang mga salarin at pinagbabaril ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.

Nang matiyak ng mga suspek na wala nang buhay ang target ay saka tinangay ang motorsiklo pati ang baril nito at tumakas sa ‘di nabatid na direksyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa naturang pamamaslang sa kanilang kabaro.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with