^

Police Metro

Basted na manliligaw na pumatay sa lady bisor, naaresto

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto na ng pulisya si Alexander Dimaunahan Jr., 23, suspek sa pagpatay sa isang 22-anyos na si Sheva Adare Mae Prementil, 22, assistant supervisor ng Llanas Supermarket na ang bangkay ay natagpuang nakasilid sa sako sa Muntinlupa City, noong Sabado.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang maaresto ang suspek sa San Pablo City, Laguna sa isang follow-up operation.

Magugunita na dakong alas-11:00 ng umaga ng Sabado nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng co-boarder  nito na si Maricor Mendoza, 27 sa loob ng bodega ng  Buko Island, na nakasilid sa isang sako sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang masugid na manliligaw ng biktima ang suspek, subalit bi­nasted niya ito na posibleng dahilan kung bakit pinatay ang dalaga sa pamamagitan nang pagsaksak dito.

Nabatid na ang suspect ay may kasong droga noong Agosto 12, 2016 at may nakapending itong  warrant of arrest sa kasong frustrated homicide na inisyu ni Judge Mary Jean Cajadad,  ng 4th Judicial Region, Regional Trial Court Branch 27 ng Santa, Cruz Laguna at itinuturing na number 5  most wanted criminal ng pulis­ya sa San Pedro, Laguna.

vuukle comment

ALEXANDER DIMAUNAHAN JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with