^

Police Metro

MMDA nakahakot ng 31 trak ng election materials

Danilo Garcia - Pang-masa
MMDA nakahakot ng 31 trak ng election materials
Unang naging prayoridad ang pagbaklas sa mga campaign materials sa mga main roads ngunit ngayong darating na linggo ay uumpisahan na rin ang paglilinis sa mga secondary at iba pang side streets na tadtad rin ng campaign materials na hindi na inasikasong linisin ng mga politikong tumakbo habang ang iba ay nagkusang magtanggal.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 31 trak ng campaign posters at tarpaulin ang nahahakot ng Metropolitan Manila Development Authority sa Metro Manila matapos ang midterm elections  na may katumbas na 215 tonelada at 757 cubic meters.

Unang naging prayoridad ang pagbaklas sa mga campaign materials sa mga main roads ngunit ngayong darating na linggo ay uumpisahan na rin ang paglilinis sa mga secondary at iba pang side streets na tadtad rin ng campaign materials na hindi na inasikasong linisin ng mga politikong tumakbo habang ang iba ay nagkusang magtanggal.

Pinakamaraming campaign materials na tinanggal ng MMDA ay ang mga lungsod ng Quezon City, Maynila, Parañaque, Las Piñas, Makati, Taguig at Pateros habang pinakakaunti ay ang lungsod ng Valenzuela.

Patuloy pa rin ang panawagan ng MMDA sa mga tumakbong kandidato, panalo man o talo, na tumulong sa pagtanggal ng kanilang mga campaign materials na maaaring maging dahilan ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na makakadagdag sa baha sa pagsapit ng tag-ulan.

Una nang sinabi ng MMDA na plano nilang i-recycle ang mga campaign materials lalo na ang mga tarpaulins bilang bags, folders, at mga envelopes.

CAMPAIGN POSTERS

MIDTERM ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with