20 nasawi sa election fever
MANILA, Philippines — Dalawampung katao ang naitalang namatay kaugnay ng pagdaraos ng midterm elections sa kabuuang 43 na mga pag-atake simula ng campaign period noong Enero ng taon.
Pero, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na 60 % pa ring higit na mababa ang mga insidente ng karahasan naitala sa midterm polls sa taong ito na kumpara sa 106 mga insidente ng karahasan na nairekord noong 2016 presidential elections.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagta-tally ng PNP sa mga karahasang may kinalaman sa 2019 midterm elections hanggang sa proklamasyon ng mga kandidato.
- Latest