Cam Norte Gov. Tallado tuloy ang kandidatura
MANILA, Philippines — Tuloy ang kandidatura ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na tumatakbo muling gobernador ng lalawigan.
Kasunod ito ng inilabas ng Supreme Court en banc na status quo ante order laban sa resolution ng Comelec en banc na nagdi-disqualify sa kandidatura ni Tallado.
Ayon kay Atty. George Garcia, abogado ni Tallado, dumulog siya sa Korte Suprema kamakalawa ng umaga para kwestyunin ang desisyon ng Comelec en banc at pinagbigyan ang hiling ng kampo ni Tallado sa pamamagitan ng status quo ante order.
- Latest