Revilla pasok sa ‘Magic 12’
MANILA, Philippines — Pasok sa “magic 12” ang pangalan ni Ramon “Bong” Revilla Jr., sa iba’t ibang survey firm na lumalabas sa social media na mula sa ibang partido.
Kaya naman ay humihina ang kredibilidad ng mga malalaking survey firm lalo pa at may mga kandidatong nagsasabing pera-pera lang ang mga survey firm at milyong piso umano ang kailangan para maisama sa magic 12.
Ayon kay Revilla, na hindi mahalaga kung anong grupo ang magsagawa ng survey dahil nananatiling nasa pang-apat hanggang pang anim ito sa puwesto.
Anya, mas pinaniniwalaan nito ang nararanasan niyang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa lugar na pinupuntahan niya na personal na inieendorso nila Davao City Mayor Sara Duterte kasama ang iba pang pambato ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) sa Senado.
- Latest