Endo tatapusin ni Koko
MANILA, Philippines — Bukod sa layuning magtatag ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW), pangunahing adhikain ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na mawakasan ang “ENDO” (end contract) o kontraktuwalisasyon na ginagamit ng mga employer para hindi magkaroon ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.
“Sa pagdiriwang natin ng Araw ng Manggagawa, buong puso kong ipinararating ang pagsuporta sa hangarin ng milyun-milyong Filipino na nagsisikap araw-araw upang maiangat ang pamumuhay ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng kanilang ibayong paghahanapbuhay, dedikasyon at sakripisyo dito sa ating bayan o sa ibayong bansa,” ayon kay Pimentel.
Idinagdag pa ni Pimentel na ang paglikha ng hiwalay at natatanging Department for Overseas Filipino Workers ay isa sa mga lehislatibong prayoridad kapantay sa kahalagahan ng pagnanais na matigil na ang nakasanayang “Endo”.
- Latest